Huwebes, Hunyo 27, 2013

"Musika ni Sir Richard Yap"

       
     

 Magandang Araw sa Lahat! Napakaganda ng bukangliwayway pagsapit ng umagang puno ng pag asa. Naririnig ko ang mga ibong nag aawitan sa ulap na may  dalang liwanag. Tila ba gusto niyang sabihin, na sa bawat araw ay may dahilan upang maging maligaya. Sa bawat kaluskos ng mga dahon, at sa bawat kampay ng mga nota sa sari saring awitin na na napapakinggan ko, ay may isang natatanging Musika na sumusuyo sa puso kong napagsakluban ng belo ng dilim. At hinahawi ang kalungkutan ko na puno ng paglalambing: ANG MUSIKA NI SIR RICHARD YAP!

Parang isang alamat lamang itong bersong naibulalas, misteryosong paglalahad ng damdaming may bitbit na hiwaga. Sadyang, ang MUSIKA NI SIR RICHARD ay naiiba. Nagdulot ito ng pagsuyo sa puso kong minsang napuno ng kalungkutan. Sa tuwing naririnig ko ang awitin niya, ay umaagos ang aking damdamin sa malambing na haplos ng mga titik, melodiya, at ritmo nito. Tila isa siyang dakilang KOMPOSITOR na maingat na nilililok ang bawat damdaming nabuo sa sining na puno ng pagmamahal.

Ang MUSIKA NI SIR RICHARD...na nagpapagaan sa mabigat na pagkalugmok ng madla at nagbibigay ginhawa sa kabila ng mga balakid ng buhay. At tila ba binubulong nito ang pangakong aakbay sa patuloy na paglalayag namin. Wari hinahaplos ang bawat puso at sinasabing masisilayan pa ang ganda ng bukas.

SIR RICHARD...Ikaw ay espesyal na regalo mula sa MAYKAPAL. Pinagkalooban ka NIYA ng pagkataong hindi pwedeng maihalintulad sa iba. Sapagkat ikaw ay nag iisang si SIR RICHARD YAP! Bawat selyula na nasa katawan mo ay alam niya. Sapagkat ikaw ay KANYANG lubos na minamahal.

Isang MUSIKA ang iyong buhay. Parang pinong hibla sa isang magarang piano at tipa ng gitarang romantiko. Para kang isang tula, na sa bawat bagsak ng mga padyak ng paa sa makatang lupa, ay nabubuo ang kaligayahang sumusuyo sa aming lahat. Dahil ikaw ang awit ng puso, komposisyon ng mga melodiya at ritmo nitong umuusbong na komposisyon.

Kung marunong lang sana akong gumuhit..ginuhit ko na ang napaka guwapo mong MUKHA. Kung marunong lang sana akong umawit..inawit ko na ang katagang di mabigkas ng aking bibig. Kung marunong lang sana akong sumayaw..sinayaw ko na ang musikang likha ng pintig ng aking damdamin. Ngunit ako'y isang simpleng tagahanga lamang. Na sa tuwina'y ninanais na ang musika mo ay palaging mapakinggan.

Marahil, sadyang matalinghaga ang bawat titik ng akdang ito. Subalit sa bawat tipa ng kamay ko sa mga titik ng Computer ay may namumuong ngiti at naaaninag na pag asa na sana'y masilayan mo kahit sandali ang mga letrang nabuo ng pusong nananabik.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sayo SIR RICHARD...na ipagpatuloy ang iyong pangarap. Ang maging isang mahusay na MANG AAWIT, kasama ng mga sikat nang personalidad sa sining na iyong tinatahak. Magsilbi sanang awit ang akdang ito, na magbibigay sayo ng lakas at determinasyong harapin ang bawat bukas na may ngiti kasama ng iyong pamilya.

Sa muli, kasama ng iyong 360,291 Twitter followers as of June 27, 2013 @ 7:25 PM.. Maraming Salamat sa Musika mo SIR RICHARD YAP!

Padayon Lang.. :-)

...Hanggang Dito na Muna...

@iamsweetsheng




THANK YOU FOR THE MUSIC...


                   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento